Lindol sa Masbate, nagdulot ng hairline cracks

Agad na nagsagawa ng rapid assessment ang Masbate Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) katuwang ang Bureau of Fire Protection matapos ang pagyanig alas 5:15 ngayong Martes, Pebrero 15.

Ayon sa PDRRMO Masbate, may nakita silang mga hairline cracks subalit wala namang malaking pinsalang naiulat.

Samantala, patuloy pa rin na pinag-iingat at pinapayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagkakaroon ng aftershocks.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman sa lalawigan ng Masbate ang magnitude 5.0 na lindol sa lokasyong 12.28°N, 123.80°E- 011Km N 36° W ng bayan ng Dimasalang.

Intensity V naman sa Masbate City, at bayan ng Uson.

Naramdaman rin ang pagyanig sa ilang bahagi ng Albay, Sorsogon at Camarines Sur. I Mayet Marcayda

IMG 6500
IMG 6502
IMG 6507

Photos: PDRRMO Masbate

Share