It’s a YES!

Tunay ngang may forever sa magkasintahang sina Jan Michael Magtagnob at Maria Gracia Liquigan matapos magpaulan ng kilig at iyak sa kanilang matagumpay na engagement proposal na ginanap sa LCC Supermarket, Ayala Malls Legazpi, nitong Lunes, Feb. 13.

Talaga namang naging sikreto ang engagement proposal dahil hindi mo aakalain na sa simpleng pag-guest, luluhod na pala ang lalaking pitong taon niya nang minamahal.

Kasabay nito ang YES, I DO.

Ayon kay Jan, naisipan niya umanong isabay nalang sa Valentine’s event ng LCC Supermarket ang kaniyang marriage proposal kay Grace dahil dito rin siya nagtatrabaho.

“Meron na din naman akong naipon kaya sabi ko sakto Valentines kaya Valentines nalang talaga,” dagdag pa niya.

Magkahalong kaba at labis na tuwa ang naramdaman ni Jan habang hinihintay ang matamis na oo ni Grace.

“Kinabahan na nga ako, dapat nga hindi ako iiyak pero naiyak ako,” ani Jan.

Sinabihan din ni Jan ang kaniyang nobya na huwag munang buksan ang kaniyang messenger dahil dito madalas kumu-contact si Jan sa kaniyang mga kakuntsaba para sa kaniyang plano.

Samantala, ayon naman kay Grace, nanghinala umano sya sa itinuring ni Jan ngunit hindi niya inakalang may magaganap na proposal.

“Naghihinala ako kasi akala ko po parang surprise lang na Valentines date ganon, tapos di ko po in-expect,” ani Grace.

๐Ÿ• ๐ฒ๐ž๐š๐ซ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐›๐ž๐ฒ๐จ๐ง๐

Sa pitong taong relasyon, sinabihan na umano ni Grace ang kaniyang nobyo kung wala bang balak na magpropose ito sa kaniya.

“Sabi ko, wala ka bang balak eh ang tagal na,” sabi ni Grace.

Ngunit maiintindihan din umano ni Grace kung wala pang balak si Jan dahil mahirap mag-ipon at magkaroon ng pamilya sa panahon ngayon.

Bago paman ang proposal, nagawa nang mag-paalam ni Jan sa mga magulang ni Grace, na isa rin sa naging dahilan kung bakit ayaw nitong pabuksan ang kaniyang messenger kay Grace.

“Kaya nga ayokong ipa-open sa kaniya yung messenger ko kasi nagpaalam na ako sa parents niya [na nasa abroad] tapos ‘yong isang nandito ngayon,” saad ni Jan.

Kasabay sa ‘yes, I do’ ni grace ang saya sa mga mata ng kanilang mga magulang pati na rin ang suporta sa pagmamahalan nilang dalawa.

โ€œNabigla, pero actually ano naman nagtaram na talaga siya sako na mapropose pero di ko ineexpect na asin ngunyan talagaโ€, saad ni Lea, magulang ni Jan.

Ayon pa kay Lea, hindi niya na pinigilan ang dalawa ngayon dahil kita naman na tunay silang nagmamahalan sa isaโ€™t-isa.

Samantala, sa halos isang buwan na preparasyon nina Jan, wala namang naganap na pagbuwag sa kanilang sikreto.

โ€œWala namang [struggles] dahil si guy, willing naman talaga makipag coordinate sa amin and si Grace kasi ang bilis niya daw makahalata so grabeng sikreto talaga namin and hindi namin mini-message si guy, so baka kasi mabasa niya, so sa office lang talaga kami nag-uusapโ€ saad ni Kim Bacelonia, LCC Supermarket marketing specialist at isa sa naging kasabwat ni Jan sa plano.

Samantala, umulan ng mga masasayang pagbati para sa magkasintahan matapos ang naganap na marriage proposal. | Jemimah So at Aimee Mae Gizelle Sesno

Share