Here’s 10 tips on how to celebrate Single-Blessedness this coming Valentine’s Day!
With all these trends and Valentine’s-related posts na dumaraan sa news feeds mo, hindi kita masisisi kung nakararamdam ka ng inggit lalo na kung ilang taon o buwan ka nang hindi nakakaranas ng ‘totoong’ kilig. And while it’s so easy to pick and choose who to date these days, masyadong mahirap humanap ng ka-match that will make you experience that kind of love na natatangi at hindi nananakit.
However, huwag mag-alala because you’re also living in an era where individuality is considered powerful and anyone who can stand on their feet has the ability to surpass any challenges the world has to give.
2023 na bestie and learning to love yourself more than anyone else is not selfish because you’re just giving back to yourself the favor of being treated right after having to experience pain and trauma from series of failed relationships in the past.
That’s why, Bicol.PH is here to give you some tips on how to embrace your individuality this coming V-Day and celebrate the month of love the way you deserve it.
Tip #1 Buy yourself a flower and have an ice-cream date
Sabi nila, dalawang beses ka lang daw makakatanggap ng bulaklak sa buong buhay mo. Una ay sa araw ng kasal mo, pangalawa at panghuli, sa araw ng libing mo.
Kawawa ka naman kung walang gustong magpakasal sa’yo pero huwag kang mag-alala dahil sabi nga ni Miley Cyrus sa kaniyang kanta, “I can buy myself flowers,” kaya take this first tip to order a bouquet of flowers for yourself!
Hindi porket single ka, wala ka ng karapatang makatanggap ng bulaklak, kaya bakit mo hihintaying bigyan ka kung kaya mo namang ipadama sa sarili mo ang sweetness na hinahanap mo?
Add to your cart a pint of ice cream na rin dahil wala nang mas sasaya at tatamis pa sa pag-celebrate ng Valentines Day kundi sa pagkain ng ice cream!
Tip #2 Watch/Re-watch your fave movies/drama series
May pending movie or drama series ka ba diyan na gustong panoorin? Felt that sudden urge to re-watch a once loved film? Then here’s your sign na panoorin na yan sa darating na Valentines Day!
According to studies, films have the power to show us different perspectives and experience life different from our own. That way, movies and drama series give us the access to experience emotions that help us feel better.
Kaya get that laptop or phone na bestie and start that movie marathon!
Tip #3 Walk around the park with your fur baby
Celebrating Valentines Day is not just for lovers or for yourself. Minsan, masaya ring idaos ang araw ng mga puso kasama ang mga alaga nating hayop. Dahil sa lahat ng ‘hayup’ na pwedeng mong mahalin, sila lang ang klase ng hayop na hindi ka sasaktan at basta-basta na lang iiwan.
Groom your pet dog or cat na bestie and make this day special for the both of you! Don’t forget to bring some treats na rin for your pets to make them feel loved the best way you can!
Tip #4 Visit a salon and get that ultimate makeover
Galing sa break up at gustong bumawi sa naglokong jowa? I can feel that you’re plotting a revenge for your ex-lover pero hinay lang bestie because we have a much better way to get back at your ex!
Ang tip na ito ay hindi para ipamukha na baka ang rason kung bakit wala kang jowa o hiniwalayan ka ng jowa mo ay dahil wala kang amor at pangit ka. Don’t think of that dahil ang tanging pangit lang na nangyari sa mundong ito ay ang 31M taong naniwala sa ginto.
Kaya take this opportunity to visit a salon and have that ultimate makeover and unleash (or improve) the hidden beauty in you! Trust me, because the best kind of revenge is to make yourself fall in love again with you.
Tip #5 Check out a local museum/library
Hopeless romantic ka rin ba? Well this tip is perfect for you!
The month of February is not just about love and unforseen break ups, ang buwan na ito ay para rin sa mga artista at sining! Kaya i-book mo na ang bisita mo sa local art museum sa inyong lugar at namnamin ang ganda at yaman ng ating kultura at sining! Libre rin ito bestie kaya saan ka pa?
Bukod rito, maaari ka ring tumambay buong araw sa mga silid-aklatan at hayaang malunod sa dagat ng bagong kaalaman at impormasyon. Malay mo, dito mo pa makikilala ang the one mo, advice ko lang na kapag nakita mo na siya, kimkimin mo muna ang kilig, library pa rin ito, okay? Dahil sa halip na instant jowa, baka sermon pa sa librarian ang makuha mo.
Tip #6 Write a love letter to yourself in 10 years time
Ilang maling tao na ba ang inalayan mo ng tula at love letter? Di ba’t nagsayang ka lang ng tinta? Kidding aside, sa halip na sa ibang tao mo ialay ang mga liham na ‘yan, ano kaya kung sarili mo naman ang iyong sulatan?
So while waiting for the right one, go to your email na bestie and write down a letter address to yourself in ten-years time.
Tell your future self all your aspirations in life and witness where your planted hopes today will lead you in the next years to come. Malay mo, sa oras na matanggap mo ang liham na sinulat mo ngayon, nasa maayos na kalagayan ka na at minamahal nang tama.
Tip #7 Get back at your ex’s old photos (if you still have them) and burn it
Minsan, isa sa mga rason kung bakit natatagalan tayong mag-move on sa isang tao ay dahil sa mga ala-alang pinili nating idokumento. May it be in a form of letters, filmed moments o mga larawan, hatid nito ay mga ala-alang mahirap ng balikan.
Masakit man, panahon na para itapon ang mga ‘yan gaya ng pagbasura niya sa iyong nararamdaman. Malay mo, ito na pala ang first step para palayain ang sarili mo sa sakit at mahanap ang taong tunay na magpaparamdam sayo ng pagmamahal.
Don’t forget to listen to Taylor Swift’s ‘A Picture to Burn’ din para mas dama ang moment.
Tip#8 Do nothing
Alam mo, bestie. Minsan, the best way to celebrate Valentine’s is to simply…do nothing. Hindi naman kailangan engrande palagi kapag sumasapit ang araw na ito. Hindi rin kailangan na pagplanuhan nang mabuti especially if it is taking too much of your time, effort and money!
Relax lang. Take a rest. Prioritize your peace at all times. Pamper yourself through sleep. Doing nothing is an ounce of restoring your energy for better days to come that require your internal battery.
Alam mo bang next to having sex, the most pleasurable thing in this world is to having a nap. Wala ka mang ka-cuddle, at least pagdilat mo ng mata umaga na hehehe.
Tip#9 Order something online
Get that any online shop applications from your mobile phone and check out sale items ngayong buwan. Ano ba, pakinabangan natin ‘yong benefits sa araw ng mga puso.
Install, scroll, and add to cart. Basta lagi mong ulit-ulitin ang mantra sa iyong isipan ang mga katagang ‘deserve ko ‘to’. Oo naman. Deserve mong pagkagastusan ang sarili mo. Bilhin mo iyong mga bagay that would mend your inner child. And there’s absolutely nothing wrong with treating yourself sometimes.
Hoy! It’s an achievement getting this far kaya deserve mo ‘yan.
Tip#10 Use a dating app and give anew shot at love!
‘Di porket single ka, not ready to mingle ka na. I know, some people are single by choice. Pero sa mga panahong ito, parang ang saya to try something out of your league. You only live once, vebs. So make the most of it. And dating apps are made for a whole damn of reasons.
I think it is worth the shot to meet new people on this day. Try mo lang maghanap ng ‘someone’ who’s aligned with your intention as well. If it didn’t work out at the end, edi shot (puno).
Kung hindi na talaga kaya ang simoy ng ‘singleness’, use dating apps! Habol nalang kayo sa Valentine’s day. It’s never too late. There is no need to FebWORRY.
Bonus tips!
Bakit may sad dahil kulang ang tips? Diba dapat maging masaya ka dahil hindi pa tayo tapos? Yehey! Dapat grateful ka kasi may karagdagang tips pa tayo, mga vebs. And if these tips make you unhapp—no, we’ll make sure that these tips will indeed make you happy. Iyong pakikiligin ka and sheeshhhh.
Anyway, this is just a reminder na ang paparating na araw ng mga puso is a blessing. Bes, change mindset na dahil 2023 na!
Here you go!
Tip #1 Give out letters of affirmation to random people
Giving out letters of affirmation to random people is somewhat extreme but really, really romantic. Just don’t come out as a creep, please.
I think what most people don’t understand is the power of compliment. Basta puro ang intensyon mong magbigay-saya sa iba, wala na sigurong mas fulfilling pa roon. Sometimes, what we need is a little push from people we haven’t met before to boost our confidence (and imagine doing that on Valentines’ Day? It will surely make your heart flutter).
Trust me, hindi lang araw mo ang gaganda but you can make other people’s day as well! Radiate that positivity within you and be a ball of sunshine.
Tip#2 Go out on a date with your friends/family
Hindi lang naman para sa mag-jowa ang araw na ito, ‘no! Valentines’ Day could just be a perfect day for you to go out on a date with your friends. Kaya kung ikaw ang tipo ng tao na ayaw mapag-isa sa darating na araw ng mga puso, invite your friends na walang ka-date (and willing to join you) and make a memory for keeps!
At tsaka, balita ko maraming bundle na barkada meal ang sale this coming Valentines sa mga fast food chain kaya, chair up bestie!
You can also spend time with your family by planning a dinner sa labas or kahit homemade food. This happens only once a year, and this could just be a perfect getaway to bond and reconnect. Ngunit syempre, aminin na natin na hindi lahat lumaki sa mapagmahal na pamilya. And it’s totally valid to spend your time with whoever you want.
Tip#3 Invite someone to hook-up
Disclaimer: This is not rated SPG. Bakit mo pipigilan ang plano to experience an extra spicy rendezvous, ‘di ba? Well, kung ikaw naman iyong tipo ng tao na hindi talaga fully inclined with the thought of getting into relationship and gusto lang ng ka-momol, sit back.
I think oras na para maging open at mapag-usapan ang perspective na hook-ups are valid and normal. It’s okay and there is nothing wrong with that. Hindi naman masama ang maki-pag hook-up, eh. Basta ba walang sabit and consensual (Note: consent is very, very, very important). Enjoy the pleasure, bestie. Basta practice safe sex. Mabuti nang protected para walang pagsisihan at the end. Kaya mo ‘yan, vebs.
Tip#4 Confess your love to someone
Kung naghahanap ka ng sign, ito na ‘yon. Take the risk or forever hold your peace. Syempre, hindi naman ‘to magtatapos kung hindi natin pag-uusapan ang mga taong nagtatago ng kanilang feelings to someone because of different reasons.
Either way, kung itatago mo lang ‘yan forever, baka mapuno ka nalang ng what ifs. Kasi malay mo, ‘di ba? You’ll never know not until you communicate. Hindi naman manghuhula ang bebe mo, vebs. Walang mangyayari kung hindi ka gagalaw d’yan nagalit.
On the other hand, kapag hindi na-reciprocate ang feelings, at least nasabi mo. Sure, there is a chance that it will not go your way. You can be sad at some point. Just let it in because it’s valid. Then let it out and move your feet.
You can go forward dahil wala kang tinapakang tao at malinis ang konsensya mo. Joke lang, pero seriously, make use of this day to confess.
~*~
Valentine’s Day is not just made for duo laner but it’s also a day to celebrate the love through individuality. Being yourself is just one way. Be free, be inlove, be up on the challenge.
Kaya naman, sit back, relax and follow Bicol.PH for more interesting stories/tips. I Nicole Frilles & Ken Oliver Balde
Artcard by Job Baeza