Barangay kagawad, sugatan sa pananaksak ng lasing na tanod sa Mandaon, Masbate

LEGAZPI CITY – Nagtamo ng sugat ang isang barangay kagawad matapos pagsasaksakin ng isang lasing na tanod sa Brgy. Bat-ongan, Mandaon, Masbate, bandang ala-siyete ng umaga kahapon, Enero 21. 

Kinilala ang biktima na si Elegio Ariola, 62 anyos at isang kagawad samantalang ang suspek naman ay 64 anyos na tanod at magsasaka.

Kapwa residente ng naturang barangay ang dalawa. 

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bigla na lamang pumasok ang lasing na suspek sa  bakuran ng biktima at pinagsasaksak ito sa likod na nagsasampay ng damit ng mga oras na iyon.

Agad naman na nakatakas ang biktima mula sa suspek na isinugod sa Masbate Medical Mission Group Hospital Service Ccoperative (MMMGHSC) upang mabigyan ng agarang lunas.

Na-recover naman ng mga awtoridad ang isang icepick bilang ebidensya. 

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa karampatang parusa.

Share