Mula sa Alert Level 1, ibinaba sa Alert Level 0 ang alert level status ng Bulkang Bulusan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa PHIVOLCS, simula December 2022 ay bumaba sa baseline level o 0-5 na lamang ang volcanic earthquakes na naitatala kaya ibinaba na ang alert level status ng bulkan.
Matatandaan na Hunyo 2022 nang magkaroon ng phreatic eruption ang bulkan na naging sanhi upang itaas ito sa Alert Level 1.
Patuloy namang pinapaalalahanan ang publiko at Local Government Units (LGUs) na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.