Ano ang Leptospirosis at ang mga sintomas nito?

Kadalasang mataas ang kaso ng leptospirosis tuwing tag-ulan.

Pero ayon sa Department of Health Bicol, kayang-kaya itong maiwasan.

Ang leptospirosis ay sakit na nakukuha sa “leptospira” bacteria na galing sa ihi ng daga at iba pang hayop gaya ng kabayo, kambing, aso, baboy at iba pang hayop.

Kadalasan ay humahalo ang ihi ng mga hayop sa tubig baha at putik na pumapasok sa mga sugat o bitak sa balat, mata, ilong, at bibig ng tao kapag lumusong sa baha ng walang proteksyon.

Ang mga sintomas ng leptospirosis sa tao ay lagnat, pananakit ng kalamnan, pagtatae, panginginig, sakit ng ulo, pantal at mapula-pulang mga mata sa ilang mga kaso.

Agad na magpakonsulta sa doktor kung nararanasan ang mga sintomas na ito upang maiwasan ang komplikasyon.

IMG 6006 2
IMG 6007
IMG 6007 2

Photos: DOH Bicol

Share