Bumalik na ang serbisyo sa publiko ng pamahalaang lokal ng Sto. Domingo, Albay ngayong araw, Nobyembre 15, matapos masunog ang 2nd floor nito noong nakaraang Linggo, Nobyembre 13 bandang alas-kwatro ng hapon.
Ayon kay Mayor Jun Aguas, Jr., “Sto. Domingo will rise again” kasabay ng muling pagbubukas ng serbisyo sa publiko.
Bagamat 2nd floor lamang ang apektado ng sunog, hindi pa rin umano ito ligtas para sa publiko at mga empleyado.
Narito ang bagong lokasyon ng kanilang apektadong opisina:
Mayor’s Office and Admin Office – Location: BPLO (Negosyo Center)
Budget Office, Accounting Office, and IT & Documentation Office – Location: DOTC/MDRRMO
HRMO – Location: Women’s Center (Near LIGA Office)
Assessor’s Office – Location: OSCA
Treasurer’s Office – Location: Agriculture Office
BPLO, MSWDO, OSCA – Location: MSWDO
MDRRMO – Location: Aksyon Agad Response Center
RHU Vaccination – Location: PGRCC
Parking Area – Temporary Collection Area
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa dahilan ng sunog sa munisipyo. I via PIA Albay