42 protested ballot boxes sa Legazpi City, ibibiyahe na papuntang Maynila

Matapos ang inventory at sealing ng 42 protested ballot boxes, nakatakda na itong ibiyahe papuntang Maynila ngayong alas 6 ng gabi sakay ng isang truck.

Ihahatid ang mga ballot box na ito sa sa Comelec Philpost Warehouse na nakatakda namang tanggapin ng Electoral Contest and Adjudication Department para sa gagawing recount sa pamamagitan ng Vote Counting Machine (VCM).

Kabilang naman sa mga sasama sa paghahatid ng ballot boxes sa Manila ay ang mga tauhan ng Comelec, kinatawan ng partido ni mayoralty candidate Atty. Alfredo Garbin, Jr., kinatawan ni Mayor Carmen Geraldine Rosal, at mga tauhan ng pulisya.

Kapag nadala na sa Comelec Philpost Warehouse ang mga ballot boxes ay saka magbibigay ng kautusan ang Comelec 1st Division na siyang may hawak ng kaso kung kailan opisyal na sisimulan ang recount.

Ang 42 protested ballot boxes ay mula sa 9 na barangay ng Legazpi City. 10 ballot box mula sa Taysan, 7 sa San Roque, 6 sa Bitano, 4 sa Maslog, 4 sa Puro, 4 sa Tula-Tula, 4 sa Pawa, 2 sa Dita, at 1 sa PeƱaranda.

Maingat na sinelyuhan ang mga ballot boxes. Nilagdaan din ito ng mga otorisadong kinatawan ng Comelec at ng dalawang partido upang masiguro na walang anumang anomalyang mangyayari. I via Jona Bagayawa

IMG 4862
IMG 4860
IMG 4863
Share