Total lunar eclipse

Nakunan ng larawan ng Bicolano photographer na si Michael Fugnit ang total lunar eclipse sa Sorsogon ngayong 6:59, Martes ng gabi.

Ayon kay Fugnit, alas singko pa lang ng hapon ay inabangan niya na sa isang hotel at sa Sorsogon Sports Complex ang paglabas ng lunar eclipse na kung tawagin ay beaver blood moon.

“Siyempre bilang isang Landscape photographer and Astro Photographer hindi natin pinalagpas ang pagkakataong ito na makunan ng larawan ang total lunar eclipse sa kabila ng sungit ng panahon maghapon dahil sa pabugso-bugsong ulan sabayan pa ng makakapal na ulap. Akala ko nga hindi magpapakita pero hindi tayo nawalan ng pag-asa na masilayan at harap harapang makunan ng larawan ang total lunar eclipse na minsan lang mangyari sa ilang taon.

Ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ang total lunar eclipse hanggang sa taon 2025 ayon sa mga eksperto.

IMG 3786
IMG 3788
Share