Inaasahang higit 600 na kalahok mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang dadalo sa Philippine Institute of Environmental Planners (PIEP) National Convention na gaganapin sa Nobyembre 7-9 sa Legazpi City Convention Center.
Layunin ng pagtitipon na ito na matugunan ang epektong dulot ng climate change sa pamamagitan ng pagpapatatag ng mga estratehiya ng mga LGUs, komunidad, at iba pang sektor.
“After the event, we hope to come up with a better framework, better strategies [to cope up with climate change], and how environmental planners would be working with other strategies,” ayon kay Environmental Planner (EnP) Maria Ana M. Pulido, National President ng PIEP.
Para naman sa mga environmental planners ng Albay, nakikita nila itong magandang pagkakataon upang maibahagi ang iba’t ibang estratehiya ng lalawigan sa paghahanda sa kalamidad.
“This [PIEP National Convention] is very important to appreciate and understand the role of environmental planners. Isa sa mga pwedeng ipagmalaki nating mga Albayano [ay] ‘yung pagiging prepared natin sa mga [sakuna],” ani EnP Ana Marie R. Abante, PIEP Albay Chapter President na siyang host chapter ng national convention.
May temang “Rise up to the Global Challenges through Environmental Planning, aimed at leveraging human-centric, risk-informed and systems-enabled rehabilitation and recovery strategies” ang PIEP National Convention ngayong taon. I via Jona Bagayawa
Photo: PIA Albay