Simula ng Fiesta Bicolandia, simbolo ng pagbubukas ng turismo sa Rehiyon Bicol

Makulay ang naging pagbubukas ng Fiesta Bicolandia Travel and Trade Fair na pinangunahan ng Department of Tourism Bicol.

Ayon kay DOT Bicol Regional Director Herbie Aguas, ang pagbubukas ng Fiesta Bicolandia ay simbulo ng bagong simula para sa industriya ng turismo sa Bicol matapos ang dalawang taong pandemya.

Ani Aguas, ” It’s one way of saying na we are now open, fully open here and we are ready to accept guests , local or foreign guests from everywhere, saan ka mang parte ng mundo, we are now open.”

Tatlong araw ang Travel and Trade Fair na nag umpisa na ngayong araw sa Ayala Malls Legazpi City.

Tampok sa travel and trade fair and mga pinagmamalaking travel destinations at produkto mula sa anim na probinsiya ng rehiyon.

Nariyan ang Sorsogon kung saan ibinida nila sa kanilang booth ang replica ng isang butanding na atraksyon sa bayan ng Donsol, Sorsogon lalo na tuwing summer season.

Hindi rin nagpahuli ang Camarines Norte kung saan ipinakita naman nila ang puro at puting buhangin ng Calaguas Island na binabalik-balikan ng mga mahilig sa island hopping.

Gayon din ang buhangin mula sa tinaguriang Surfing Capital ng Bicol na matatagpuan sa Bagasbas Beach sa Daet. Sa Camariner Norte rin matatagpuan ang 1st Rizal Monument o ang unang bantayog ni Rizal.

Narito rin ang Catanduanes na bukod sa kanilang mga magagandang destinasyon ay ibinida rin ang kanilang napakasarap na latik. Ipinagmamalaki rin ng mga taga Catanduanes ang kanilang mga produktong pinukpok.

Hindi naman magpapahuli ang booth ng Albay Province kung saan itinampok naman ang ATV Adventure sa paanan ng World’s Perfect Cone na Bulkang Mayon.

Narito rin ang mga Natural Crystals na matatagpuan naman sa Masbate at ang wakeboarding activity at island hopping experience sa lalawigan ng Camarines Sur.

“Expect natin na mas maganda yong ating mga tourism products ( and destinations ) na pinopromote ngayon ng DOT V and we are trying to enhance more and mas may mga innovation tayo sa marketing and promotion ng ating tourism industry.” dagdag ni Aguas.

Ayon kay DOT UIndersecretary Cocoy Jumapao na dumalo rin ang okasyon, lahat ng rehiyon ay may angking ganda na maipagmamalaki sa mga turista. Sa Bicol, ang natatanging ganda umano nito ay ang mga natural resources lalo na ang bulkang Mayon.

Ani Jumapao, “kanina lang pagdating ko sa airport naiwan ako kasi nagpa picture pa ako sa Mayon. Talagang wala niyan sa ibang region . Natural resources, God given resources nasa inyo na lahat dito nakita ng lahat.”

Magpapatuloy ang Fiesta Bicolandia hanggang linggo kung saan kaabang abang ang festival of festivals street and dance showdown ng anim na probinsiya. | via Mitch Villanueva

IMG 3730
IMG 3745
IMG 3735
IMG 3738
IMG 3740
IMG 3741
IMG 3734 1
IMG 3743
IMG 3747
IMG 3742
IMG 3744
IMG 3746
Share