E-catalog o digital platform para sa lahat ng MSMEs sa bansa, isinusulong ng DTI

E-catalog o digital platform para sa lahat ng MSMEs sa bansa, isinusulong ng DTI

Higit tatlong daan na Micro Small and Medium Enterprises ang dumalo sa ginanap na Bicol MSME sa Legazpi Lity na pinangunahan ng Department of Trade and Industry Bicol nitong Oktubre 21.

Pangunahing bisita sa pagtitipon si DTI Secretary Alfredo Pascual. Sa kanyang mensahe, binigyan diin niya ang importansya ng digitalization na dapat masabayan ng mga MSMEs. Sa datos ng DTI, merong 7700 MSMEs sa Bicol ang gumagamit na ng e-commerce sa kanilang negosyo. 

Nais ni Sec. Pascual na magkaroon ng isang e-catalog para sa buong bansa kung saan naroroon na ang lahat ng mga negosyante sa buong bansa kabilang na ang mga SMEs. Ang gobyerno ang isa sa pinakamalaking kliyente sa bansa at gumagawa raw sila ng paraan gaya ng isang batas na manduhan ang mga opisina ng gobyerno na bumili ng mga pangangailangan sa mga rehistradong negosyante o SMEs na magiging kabilang sa planong e-catalog.

Ikinatuwa naman ang bagay na ito ni Erica Pereña ng Wrapsody, na isa sa dumalo sa pagtitipon. Si Perena ang isa sa napabilang sa Top 10 most inspiring MSMEs sa bansa ng Go Negosyo na ginawaran ng pagkilala ngayong taon. “This event is very important as an entrepreneur kasi maganda, actually ngayon ko lang nabalitaan na magkakaroon tayo ng digital platform for all MSMES kasi kahit sabihin natin na nakikita natin sila sa pasalubong center, iba pa rin yung impact pag nakita natin sila on the digital market kasi mas maraming masasakop natin na potential customers”, ani Pereña.

IMG 4033
DJI 20221021 102842 523
IMG 4032
Share