Ginanap sa lalawigan ng Masbate nitong Oktubre 19-21 ang ika-21 na pagpupulong ng National Union of Career Executive Services Officers (NUCESO). Ang NUCESO ay isang pribadong asosasyon na kinabibilangan ng mga career officials mula sa iba ibang ahensya ng gobyerno.
Ayon kay Atty. Lyn Danao Moreno, National President ng NUCESO na tubong Masbate, marami sa mga dumalo sa pagtitipon ang namangha sa kagandahan ng lugar, “This is a perfect place because of the vision of the President for the next 6 years to come up with economic zone establishment, Masbate is rich in a national resources. Masbate is rich in gold, in marine aside from the cattle”. Pagkakataon rin daw ito upang ipakita kung anong meron ang probinsya lalo na sa turismo. Dahil rito ay isinagawa ang mini rodeo show.
Ayon naman kay Kagawad Ruby Sanchez Morano at Rodeo Masbateño Inc. President, nagkaroon ng interactive na mga palaro gaya ng cattle wrestling at cattle lassoing na sinalihan ng ilang miyembro ng NUCESO. Isa rin sa highlight ng mini rodeo event ay ang branding o pagmamarka sa baka na isang mahalagang proseso.
Photos: Marie Jane Oxemer and Ruby Sanchez Morano