11 mangingisda sa Cam Norte, arestado

Arestado ang 11 na mangingisda na pawang residente ng Brgy. San Lorenzo, Sta. Elena, Camarines Norte matapos mahuli sa akto ng illegal na pangingisda.

Nahuli ang mga ito bandang alas onse ng umaga nitong Oktubre 20 habang lulan ng bangka at iligal na nangingisda sa territorial seawater ng Brgy. Mangcawayan, Vinzons, Camarines Norte. 

Nakumpiska sa mga ito ang isang (1) set ng “boya” na may humigit kumulang 480 metrong haba, fish net na may humigit kumulang 300 metrong haba, dalawang (2) piraso ng magic ring, at isang (1) fishing vessel .

Ang mga mangingisda ay nasa kustodya ng Vinzons MPS at sasampaan ng kasong paglabag sa RA 10654 o Philippine Fisheries Code.

IMG 4016
IMG 4015
IMG 4018

Photos: Cam Norte PPO

Share