Inilunsad ng Environmental Management Bureau – Bicol, katuwang ang United Nations Industrial Development Organization (UNIDO) at EcoWaste Coalition, ang E-Waste To, Iwasto! Program sa SM City Legazpi ngayong araw.
Layon ng programa na maipaalam sa publiko ang tamang paraan ng pagtatapon ng electronic wastes mula sa mga lumang electronic devices.
Paalala naman sa publiko, lalo na sa mga may-ari ng junk shops at nangongolekta ng waste from electronic equipment (WEEE) bilang kabuhayan, na matapos makuha ang maaari pang pagkakitaan ay itapon ito sa tamang lugar dahil ang mga ito ay may toxic materials na maaaring maging sanhi ng pagkalason at pagkasira ng kalusugan at kapaligiran.
Sa lungsod ng Legazpi, ang drop-off point nito ay sa Legazpi City Sanitary Landfill.
Nagsilbing pilot barangay naman ang San Roque, Legazpi City kung saan itatayo ang drop-off facility sa pagkolekta at pagtapon ng mga WEEE sa kanilang komunidad. l via PIA Albay
Photos: PIA Albay