Topnotcher sa Fisheries Technologist board, pinagsabay ang pagtuturo at review

Nanguna ang 22 anyos na binata mula Santa Fe, Romblon sa Fisheries Technologist board exam na ginanap noong Oktubre 6-7, 2022. Nakuha ni John Rey Fortu Rasgo ang rating na 86.25, ayon sa inilabas na resulta kahapon ng Pofessional Regulation Commission (PRC). 

Nagtapos bilang cum laude si Fortu sa University of the Philippines Visayas sa kursong Bachelor of Science in Fisheries at ngayon ay nagtuturo sa Sorsogon State University.

Pangalawa sa apat na magkakapatid, academic achiever si John mula pagkabata na nagtapos bilang valedictorian sa Santa Fe CES, at with honors naman sa junior at senior high school. 

Parehong nasa academe ang kanyang mga magulang. Mathematics Professor ang kanyang ina sa Romblon State University habang Fisheries Professor naman ang kanyang ama sa parehong unibersidad.

“My father, who teaches fisheries at RSU, inspired me. He was the one who first opened my eyes to Fisheries as a course and an industry. During harvest, he always accompanied me to the school’s fishpond facilities so that I could assist them in catching the fish. He also took me on fishing expeditions to one of the school’s mariculture facilities. Those are some of my most memorable memories, and they inspired me to become a future marine scientist or a fisheries professional”, saad ni John.

Ayon kay Rasgo, pinagsabay niya ang pagtatrabaho at pagre-review para sa board exams. Agosto 22 siya nagsimula magturo sa SSU, halos dalawang buwan pa bago ang board exam.

“Mahirap po, morning is teaching, evening is lesson plan and power point making so early morning lang po ako nag i-study then sa last 3 weeks, 1-2 hours na lang po ang tulog and everytime may free time ako, nag aaral po”, kwento ni John.

Malaking bagay rin aniya ang kanyang pagtuturo dahil lumabas sa exam ang mga subjects na itinuturo niya ngayon na Fish health management at Hatchery management.

716 ang pumasa sa naturang board exam mula sa 1966 na kumuha nito.

Photo: John Rey Fortu Rasgo

Share