14 anyos na dalagitang nawawala, natagpuang patay

Duguan at ulo at wala nang buhay ang isang 14 anyos na dalagita nang matagpuan sa masukal na bahagi ng kanilang Barangay sa Sitio Punta, Brgy Cawayan, Claveria, Masbate nitong Miyerkules ng umaga, Oktubre 12.

Grade 10 na estudyante ang biktima ayon sa pulisya na una nang naiulat na nawawala nitong Martes, Oktubre 11 matapos umanong pumunta sa bundok na bahagi ng kanilang barangay para manguha ng mga panggatong na kahoy.

Sa imbestigasyon, lumalabas na posibleng pinukpok ng bato sa ulo ang biktima. Hindi rin inaalis ang posibilidad na ginahasa ang biktima bago pinaslang.

Ayon kay Police Major NiƱo Aquiatan, hepe ng Claveria Municipal Police Station, arestado na nila sa hot pursuit operation ang 58 anyos na suspek na nasa likod ng krimen na umano’y katiwala lang naman ng pamilya ng biktima.

Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang suspek ngayong araw.

IMG 2440

Photos by: Claveria MPS

Share