“π†π€ππˆπ“πŽ π€πŠπŽ πŠπ€πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐆 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓𝐒 𝐊𝐎.”

Ibang level ang paandar ng mga estudyante ng Grade 11-Technical Vocational Livelihood A ng Colacling National High School sa Lupi, Camarines Sur sa pagdiriwang ng National Teacher’s Day ngayong araw.

Bukod sa ipinanood na surprise message mula sa girlfriend, ibinigay na mga pagkain, at paper boquet, pinagawan nila ng bonggang tarp ang adviser na si Francis Quirona.

“Ganito ako ka mahal ng students ko, pina papunta na agad ng langit 🀣🀣 kulit nyo po mabuti na lang mabait adviser nyo πŸ˜‡ Thank you so much kids ❀️,” saad nito.

Masaya ang buong klase dahil game na game sa sorpresa nila si ‘Teacher Coco’, na una nang nag-viral matapos gawin na mala-coffee shop ang bahagi ng silid-aralan nila.

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *