Teatro nin Pakikibaka

Sa muling pagbubukas ng kurtina, masisilayan ngayong taon ang pinakamalaking piyesta ng teatro sa buong Luzon—ang “Pista nin Teatrong Bikolnon.”

Sa isinagawang press conference nitong Biyernes, Marso 22, kinumpirma ng pamunuan ng “Pista nin Teatrong Bikolnon 2024” ang muli nitong pag-aarangkada sa darating na Abril 3-6 sa Legazpi City, Albay. 

“Eksprés, Amplifying Urgent Calls,” ang tema ng nasabing pista kung tatalakayin sa masining na paraan ang mga isyung panlipunan. Sa kabila ng mga balakid, patuloy na sinisikap ng grupo na maitayo ang larangan ng teatro bilang isang mataas na propesyon—na magsisilbing sandata ng mga artista para sa walang humpay na pakikipaglaban ng karapatan ng ordinaryong mamamayan. 

“Earn from your passion, and then gamitin mo ang passion to advocate kahit anuman ng advocacies natin, kaya itutuloy-tuloy natin ang pista, kahit na ganito sya ka-challenging,” sambit ni Sari Saysay, ang Festival Director ng Pista nin Teatro 2024.

Mula Bicol hanggang Baguio, iba’t ibang grupo ng mga artistang iniibig ang teatro na nagnanais itanghal ang kanilang natatanging kuwento ang masisilayan sa nasabing pista. 

Bilang mga artista at nagtatangkilik ng sining, marapat na bawiin at akuin ang salitang “aktibismo” kung saan ang totoong kahulugan nito ay ang paghangad ng pagbabago sa ating lipunan—kung walang pagbabago sa lipunan, matatawag pa rin ba itong progresibong bayan? | Leif Dionn Martin, Cassandra Vergara

IMG 7712
IMG 7711
IMG 7713
Share