Tampok sa isang art exhibit sa LCC Legazpi ang mga likhang obra ng iilang estudyante mula sa Bicol University College of Industrial Technology (BUCIT) bilang parte ng aktibidad na “BUELO: The Comeback.”
Ang nasabing aktibidad ay isang post-celebration ng National Arts Month matapos mahinto ng isang taon. Nagsimula ito taong 2021 at sinundan taong 2022 sa pamamagitan ng isang virtual event dahil sa pandemya.
Ayon kay Nicole Maceda, 3rd year student at vice president ng BUCIT college student council (CSC), ang aktibidad na ito ay naglalayong maipamalas ang angking galing ng mga mag-aaral sa kanilang kolehiyo sa aspeto ng sining at pagkamalikhain.
“It signifies that there’s a value in art. Mostly kasi naa-undervalue ang artists and designers. So this is one of the reasons why we conducted this kind of activity and held it outside the campus,” pahayag ni Maceda.
Gayunpaman, tinatayang hindi tataas ng 100 na estudyante ng BUCIT ang nakilahok at nagpamalas ng kanilang mga likha
Lubos din ang pasasalamat ni Maceda sa suporta ng kanilang college dean na si Dr. Jonathan Arroco, BU-IDeAs adviser Prof. Dave Azores, sa kanilang mga guro, mga alumni at sa buong komunidad ng BUCIT na tumulong upang maisakatuparan ang nasabing aktibidad.
“I also want to highlight that since Industrial Design is still new to everyone, we need to show what it really defines…by implementing this kind of project, we want to share what insights and exciting facts they need to know about this course,” dagdag ni Maceda.
Samantala, ang nasabing exhibit ay nagsimula nitong Marso 6 at tatagal hanggang Marso 20. Kasalukuyang iniimbitahan din ang mga nagnanais makinig sa isasagawang orientation sa petsa 18-19 kung saan pag-uusapan ang tungkol sa sculpture, paiting, graphic design at 3D printing. I Gabby Bajaro