Pitong daan (700) ng iba ibang klase ng puno ang itinanim ng mga miembro ng kooperatiba sa Naga City ngayong araw sa Brgy. Carolina, Naga City.
Pinangunahan ang aktibidad ng mga kooperatiba na miyembro ng Naga City Cooperative Development Council (NCCDC), katuwang ang Naga City LGU sa pamamagitan ng Forest in Our Midst Program.
Inilunsad ang aktibidad bilang pakikisa sa pagdiriwang ng Cooperative Month ngayong buwan ng Oktubre. Layon din ng NCCDC na i-showcase ang mga naitanim na puno ngayong araw para sa gaganapin na Bicol Cooperative Congress sa susunod na taon.