20 katao, biktima ng shellfish food poisoning sa Masbate

Umabot sa dalawampung residente ng Milagros, Masbate ang isinugod sa Rural Health Unit matapos magsuka dahil sa pagkain ng shellfish o lamang dagat. Anim sa mga biktima ay mga bata. 

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Milagros, walo sa mga ito ay dinala sa Masbate Provincial Health Office upang mas mabigyan ng atensyon medical.

Mariin na paalala ng Milagros LGU na bawal ang pagkain ngayon ng shell fish o lamang dagat mula sa coastal waters ng Milagros dahil sa red tide.

Sa ipinalabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol noong Oktubre 6, 2022, positibo sa Paralytic Shellfish Poison ang mga shellfish meat sample na kinolekta mula sa karagatan ng Milagros. Dahil dito, inabisuhan ang publiko na huwag munang kumuha, magbenta o kumain ng lahat ng klase ng shellfish at alamang mula sa nasabing lugar.

IMG 2282 2
IMG 2285 2
IMG 2284 2
IMG 2286 2
IMG 2289
IMG 2295

Photos: Milagros Today

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *