Bilang paghahanda sa posibilidad na pagtaas ng alert level 3 status ng bulkan mayon ay nakipagpulong ang Alkalde ng Legazpi City sa mga punong barangay ng lungsod.
Limang barangay ng lungsod ang nasa southeast quadrant ng bulkan na siyang higit na maaapektuhan sakaling matuloy ang paga-alburuto ng bulkan.
Ayon kay Alkalde Geraldine Rosal, kailangang mahigipit na ipatupad ng mga lider ng barangay ang pagbawal sa pagpasok sa 6 km PDZ.
Bagama’t wala namang nakatira sa loob ng 6 kilometer permanent danger zone, palalawigin sa 8 kilometer ang extended danger zone sa ilalim ng alert level kung kaya’t may mga apektadong pamilya na kailangang ilikas.
Ayon kay Engineer Miladee Azur, OIC ng Legazpi City Disaster Risk Reduction Management Center, inaalam pa nila ang kabuuang bilang ng mga maaapektuhan na pamilya mula sa mga barangay ng Buyoan, Bonga, Padang, Matanag at Mabinit upang mapaghandaan ang pangangailangan sa relief goods at evacuation centers. Ang listahan raw kasi ng population at risk na meron ang LGU ay bilang paghahanda sa bagyo.
Dumalo rin sa pagtitipon Si DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio at kanyang siniguro na may nakahandang relief goods sakaling itaas ang alert level 3. Higit 31,000 na family food packs raw ang naka-preposition ngayon sa DSWD warehouse sa Legazpi City at may paparating pang 15,000 food packs. Bukod rito, may mga non-food packs rin na nakahanda para sa mga evacuee.