Atletang Bikolana, kampeyon sa palakasang arnis

Itinanghal na kampeyon si Mzyra Velasco, 21, tubong Guinobatan, Albay, sa naganap na National Battle of the Champions sa event na Live Stick- Light Heavy Weight Women’s Category ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) na ginanap nitong Pebrero 25-26 sa Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Sports Complex, Manila.

Umani ng papuri ang kampeyon sa mga kababayan nitong Bicolano dahil sa ipinakitang husay sa larangan. Laking pasasalamat naman ni Velasco sa mga taong sumusuporta sa kanya, “It was a great experience po. Sobrang sarap po sa feeling na napabilang ako sa sinasabi nilang best of the best. Nag bunga po yung mga paghihirap ko simula palang nung una, at mga pag sisikap ko, sa tulong din ng mga teammates ko, coaches, friends and family, sila ang nagpalabas saakin para ipag patuloy at nag motivate upang makuha yung pagkapanalo”, ayon sa kaniya.

Si Velasco ay dumayo ng Maynila upang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Bilang isang arnis player ay hindi biro ang mga pagsubok na pinagdaraanan niya at ng iba pang mga atleta,

“Yung malayo sa pamilya, most of us athletes from province na nag aaral sa Manila we received scholars kasi kailangan igrab yung opportunity kasi sayang, di naman kami lahat eh afford makapag aral sa university. The moment that you decided na kailangan mong ma-achieve yung pangarap mo that’s the time na may mga bagay na kailangan kang isacrifice to pursue your dreams. In my case, yung comfort ko with my family. There are times na after long tiring day sa training mamimiss mo yung pag uwi mo meron ng nakalutong pagkain, yung uuwi ka na lang para magpahinga, saka kapag nakikita mo kasi yung family mo parang nakakawala ng pagod. That’s one of many challenges that we face, kasi kailangan mong gumalaw sa sarili mo para sa mga pangarap mo”, ayon kay Velasco.

Kulang rin daw ang pinansyal na along sa mga arnis players ayon kay Velasco, “Financial rin pala and sponsors, imagine being an athlete playing our national sport, we Arnis players are not receiving the same attention and support they are giving with other sporting events.”

Mayroong hiwalay na tryouts para sa National Arnis Team na bubuuhin para sa 2023 Cambodia SEA Games dahil dalawang representative ang kukunin sa bawat event. Si Velasco ay qualified sa nasabing tryouts at malaki sana ang tiyansa na mapabilang sa 16 players na kakatawan sa Pilipinas. Pero mas pinili niyang magbigay daan muna sa ibang mga manlalaro dahil sa conflict sa schedule ng kanyang on-the-job training ngayon bilang isang graduating student ng Polytechnic University of the Philippines – Manila.

“But still, hindi po doon nagtatapos ang journey ko sa arnis. There’s still a chance pa din po na maging part muli ako ng team dahil every 2 years po nag oopen ng opportunity ang Arnis competition para sa mga bagong magiging mukha muli ng Philippine National Arnis Team”, ayon sa Arnis Champion.

Magsisilbing inspirasyon ang panalo ni Velasco para sa mga tumatahak ng pampalakasang larangan ng arnis, “Ineencourage ko po ang bawat isa, lalong lalo na ang mga kabataan na matuto ng laro natin, pambansang laro ang Arnis. Napakasarap ipag malaki na nilalaro ko ang sariling atin. Makakatulong ito sa sarili natin upang mai boost ang ating confidence, maging active, at maraming matututunan in terms of self defense, pakikisama sa iba’t ibang tao na makakasalamuha at marami pang iba. Masarap maging atleta. Sobrang saya maging atleta ng sariling atin”, ani Velasco.

Ang ruweda ng buhay ay nararanasan ng lahat, ngunit ayon kay Velasco, “Pwedeng umiyak, pwedeng mapagod, pero bawal sumuko kasi may goal tayo”. I Ralph Kevin Balaguer

IMG 7467
IMG 7466
IMG 7465

Photos: Mzyra Velasco

Share