DComC, wagi sa Street Dance Competition ng Arangkada Cagsawa Festival 2023

LEGAZPI CITY – Inuwi ng Daraga Community College (DComC) ang parangal bilang overall champion nitong Martes, Pebrero 28, sa katatapos lamang na Arangkada Cagsawa Festival Street Dance Competition 2023.

Bukod sa pagiging overall champion, pinarangalan din sila bilang; best in costume, best in moving choreography, best in Luna, best in Suelo, best in Don Antero, at best in props.

Ang nasabing paligsahan ay dinaluhan ng walong kalahok mula sa siyudad ng Legazpi at iba’t ibang munisipalidad tulad ng Oas, Camalig, Daraga at Pilar.

Ang nasabing street dance ay nagsimula ng alas-2 ng hapon mula sa Daraga Covered Court papunta sa Bicol University Sports Complex na siyang pinagdausan ng performances ng kada grupo.

Ayon kay Oliver Olin Olango, performer mula sa DComC at nag-aaral ng kursong Bachelor of Elementary Education sa nasabing paaralan, naghanda sila nang sabay-sabay upang maging maayos ang kanilang pagpapakita ng gilas sa malaking kompetisyon na ito.

“Nakakapagod po, pero nakaka-enjoy naman po. The way na nagsasama-sama kami, nagtutulong-tulong para sa preparation pong ito,” ani Olango sa isang panayam sa Bicol.PH.

Sa kabila nito, pinasalamatan naman ni Linus Joseph Revidad, officer-in-charge ng Tourism office ng Daraga ang mga nakisaya sa nasabing selebrasyon.

“Indeed, this Arangkada Cagsawa Festival 2023 has [been a] proclamation of people with one vision and of a community, one team to support each other. We, in the local government of Daraga is very grateful for that. We are especially grateful to those who traveled all the way here to be part of our celebration today for the Cagsawa Street Dance Competition,” saad nito. | Danica Roselyn Lim & God Frey Las Pinas

IMG 20230301 105842 368
IMG 20230301 105849 363
IMG 20230301 104034 802
IMG 20230301 104054 117
IMG 20230301 105838 746
IMG 20230301 105859 685
IMG 20230301 104050 372
IMG 20230301 104042 538
IMG 20230301 105846 101

 Photos: Danica Roselyn Lim

Share