Babaeng barangay tanod nalunod sa Goa, Camarines Sur

Nalunod ang isang babaeng barangay tanod matapos niyang suongin ang rumaragasang baha sa tulay ng Sitio Laki-laki sa Brgy. Scout Fuentibilla, Goa, Camarines Sur nitong Biyernes, Enero 27.

Kinilala ang biktimang si Gina  Barde, 51 taong gulang, barangay tanod ng nasabing barangay, maybahay at may pitong anak. 

Ayon sa asawa ng biktimang si Noli Barde, nagawa pa umanong ihatid pauwi ni Gina ang kanilang anak pauwi sa bahay mula sa paaralan.  

Ngunit bumalik umano ito upang mag-duty bilang barangay tanod at mataas na ang tubig-baha sa tulay. Pinilit pa ring tumawid ng biktima subalit tinangay siya ng malakas na agos ng tubig. 

Agad namang rumesponde ang MDRRMO Goa, barangay tanod, at kaanak ng biktima para sa search and retrieval operation. 

Natagpuan naman ang walang buhay na katawan ng biktima ng kanyang kapatid, dalawang kilometro mula sa tulay. I Jona Bagayawa

IMG 6145
IMG 6148
IMG 6146

Photos: Jeyn Hally

Share