Underwater Hull inspection, isinagawa sa sumadsad na barko sa Sorsogon

Nagsagawa ng under water hull inspection ang mga personahe ng Coast Guard Sorsogon kasama ang Coast Guard Special Operation Unit Bicol, Coast Guard Marine Environmental Protection Sorsogon at MDRRMO Barcelona kahapon, Enero 22 sa cargo vessel na sumadsad sa karagatan ng Barcelona, Sorsogon.

Ito’y upang alamin ang posibleng pagkakaroon ng oil leaks at tingnan kung may napinsala sa seabed kung saan sumadsad ang barko.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Coast Guard District Bicol, galing ng Lazi, Siquijor ang domestic cargo vessel na LCT REGENT 101 noong Enero 19 at papunta ito ng Lidong, Sto. Domingo, Albay. Pero pagdating sa Barcelona, Sorsogon, nakaranas umano ito ng malakas na hagupit ng hangin at malalaking alon dahilan upang sumadsad sa mababaw na bahagi ng dagat sa Sitio Boracay, Barangay Luneta ng nasabing bayan.

IMG 6083
IMG 6085
IMG 6086

Photos: Coast Guard District Bicol

Share