Baha pa rin sa pitong barangay sa bayan ng Daet, Camarines Norte dahil sa walang tigil na pag-ulan nitong linggo dala ng shear line.
Isa sa mga apektadong barangay ang San Isidro kung saan nagpatupad ng forced evacuation ang lokal na pamahalaan kahapon, Enero 18.
Sa tala ng Daet MDRRMO, may 153 na mga pamilya o 417 na mga residente ang lumikas mula sa pitong barangay dahil sa baha at pansamantalang nakatira sa mga designadong evacuation centers gaya ng paaralan at barangay hall.
Ang mga lumikas ay mula sa Barangay I, II, Bibirao, Magang, Pamorangon, at San Isidro.
Nakatanggap naman ng food packs ang mga lumikas na pamilya mula sa DSWD.
Sa ngayon, baha pa rin raw sa Barangay I, II, V, VI, Borabod, Cobangbang at Pamorangon sa nasabing bayan.
Photos: Daet MDRRMO