Matatagpuan ang bayan ng San Miguel sa lalawigan ng Catanduanes. Katabi ng bayan ng Virac, ito ay isang 5thclass municipality na siyang tanging in-land municipality sa Catanduanes.
Dahil rito ay wala siyang dagat at wala ring masyadong pasyalan sa lugar lalupat hirap rin ang telco signal dito, kung kaya’t malaking bagay ang pagbubukas ngayong taon ng San Miguel River Park sa nasabing bayan.
Ayon kay Ralph Baling, Manager ng San Miguel River Park, nitong Mayo lang sila nagsoft opening, “Naisip ni owner na pwede ito i-launch gawa po na yung San Miguel hindi siya nasasama in terms of tourism, naiiwan lagi si San Miguel. Si owner tagarito po mismo kaya naisipan niynang i-launch ang tubing para kakaiba naman.”
Suportado naman ng Catanduanes Provincial Tourism ang proyektong ito. “San Miguel which is the only land-locked municipality in Catanduanes, they offer river tubing and river kayaking. Isang intervention na ginawa natin dito is yung capability-building ng mga river guides, not only the river guides but also the potential eco guides ng municipality ng San Miguel”, ani Catanduanes Provincial Tourism Officer Carmel Bonifacio Garcia.
Halos isang kilometro ang ilog na babaybayin ng mga nais magwater-tubing sa loob ng higit kumulang isang oras. Relaxed ang klase ng water tubing na ito na nakaupo lamang ang namamasyal sa tube habang kumakain o umiinom. “Sa ngayon po ang tubing natin po is Php225  per hour per head, affordable po siya kaya yung mga guest natin tuwang tuwa lalo na yung taga ibang isla”, ayon pa kay Baling.

