EDC-AFoCo-DENR partnership, malaking tulong sa reforestation at biodiversity conservation sa Bicol

Matagumpay na nabuo ang public-private partnership ng Energy Development Corporation (EDC), kasama ang Asian Forest Cooperation Organization (AFoCO) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na layuning magbigay-solusyon sa mga problema sa kalikasan tulad na lamang ng reforestation at biodiversity conservation sa Bicol.

Isa sa pinakabagong proyekto ng grupo ang BINHI Arboretum na pinasinayaan noong Huwebes, Nobyembre 21 sa EDC Bacon-Manito Geothermal Project sa Brgy. Cabacongan, Manito, Albay, kung saan palalakihin at magsisilbing ligtas na lugar para sa higit 20 na uri ng puno na itinuturing na “endemic” at “threatened species” na matatagpuan lamang sa Bicol.

Ayon kay Nancy Ibuna, ang head ng corporate relations and communication division ng EDC, mayroon dalawang hektarya ang Arboretum na kokonekta sa kagubatan.

“It will be a showcase of how public -private sector partnership can also lead to restoring denuded forests in the country not only that but also to give livelihood and economic benefits to our local communities,” saad ni Ibuna.

Sabi ni Atty. Ronnel Sopsop, ang DENR Bicol assistant regional director, nakahanay ang proyekto sa Philippine Diodiversity Strategic Action Plan kung saan kailangan alisin ang mga invasive alien species sa mga protektadong kagubatan.

“We hope na mareplicate in other areas not only in the Philippines but also in some Asian countries where AFoCo has some projects,” saad ni Sopsop.

For greener future

Nagsimula ang pagtutulungan ng EDC at AFoCo noong nakaraang taon pa. Ito ang pinakaunang partnership ng AFoCo sa isang pribadong kompanya sa Pilipinas at Asia sa tulong naman ng DENR.

Mahalagang hakbang ito upang manumbalik ang nasa 100 hektarya ng kagubatan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punong native sa Pilipinas na isa ring tahanan ng mga critically endangered species tulad ng Acerodon jubatus (Golden-crowned Flying Fox) at iba pa.

Nakahanay ang mithiing ito sa Paris Agreement and Sustainable Development Goals (SDGs) at pagpapalakas sa National Greening Program ng DENR.

Ayon kay Dr. Pham Duc Chien, ang director of the the program and project division ng AFoCO, layunin ng organisasyon na ma-restore ang mga kagubatan sa iba’t ibang lugar na makatutulong sa kalikasan.

“EDC has the capacity to restore and to protect biodiversity. We hope that EDC will have some showcase for other private sector in other member countries to learn about reforestation and biodiversity conservation, and also to engage the private sector in reforestation in other member countries and the Asian countries as well,” saad ni Chien.

Bukod pa rito, magsisilbi ang Arboretum bilang lugar para sa iba’t ibang hayop, ibon, insekto at iba pang mahalaga sa Philippine biodiversity. 

Ang aktibidad na ito ay hindi lamang upang protektahan ang Philippine biodiversity kung hindi ay bumuo ng kabuhayan para sa komunidad na makatutulong upang masugpo ang kahirapan. 

Sa ilalim ng BINHI program, umabot na sa 10,000 hektarya ng nakalbong kagubatan ang nanumbalik sa loob ng 15 taong pagtutulungan ng EDC para sa isang masaganang kinabukasan ng mga Pilipino.

IMG 3443 1
IMG 3455
IMG 3446
Share