Matagumpay na idinaos ng Global Peace Foundation Philippines (GPFP) sa ika-15 na anibersaryo nito ang 12th Global Youth Summit 2024 na naglalayong pagyabungin ang kaalaman ng mga kabataan sa paggawa ng aksyon at solusyon sa mga krisis pangkapaligiran na ginanap nitong Hunyo 8, sa SM City Legazpi.
Sa pangunguna ni Leonard Faustino, executive director ng GPFP na kinatawan ni Von Villanueva sa nasabing summit, inihayag ni Villanueva ang malaking papel ng kabataan sa pagbuo ng magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
“As young people, we have the most to lose if we fail to address this crisis. But we also have the most to gain by taking bold and innovative actions. We are not just the leaders of tomorrow; we are the change-makers of today. Our voices, our choices, and our actions can drive the global movement towards a sustainable future,” ani ni Villanueva.
Binigyang tuon ng summit ang usapin tungkol sa sustainable development goals (SDGs) ng United Nations kung saan naimbitahan ang ilang tanyag na personalidad sa Albay upang magbigay kaalaman sa ilang SGDs. Ilan sa mga naimbitahan ay ang regional president ng GPF Asia Pacific na si Mr. Ingil Ra na nakapokus sa SDG17: Partnerships for the Goals habang si Dr. Ofelia Samar-Sy naman ng Bicol University College of Medicine ang tagapagsalita tungkol sa SDG 3: Good Health and Well-being, at marami pa.
Nakiisa rin sa pulong si Legazpi City Mayor Geraldine Rosal na binigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulong-tulong ng kabataan upang harapin ang mga hamon sa pandaigdigang saklaw.
“A unified effort is necessary to address these challenges, which is precisely the aim of this Global Youth Summit. It seeks to develop a well-trained cohort of youth ready to tackle global issues. It is essential for you to be aware of these impending challenges as early as possible,” saad ni Rosal.
Samantala, may galak ring ibinahagi ng GPFP ang pagbabalik ng kanilang programang “Seed Grant Competition” kung saan mabibigyang oportunidad ang mga kabataang lumahok bitbit ang kanilang ideya o proyektong makatutulong sa pagbibigay solusyon sa mga suliraning panlipunan at pangkapaligiran.
Ayon kay Villanueva, mabibigyan ng suportang pinansyal at sapat na resources ang mga lalahok upang mapalawak at maisakatuparan ang hangarin ng kabataan na maging bahagi ng solusyon para sa susunod na henerasyon. | Denisse Mae Laganzo