Carbon Footprint: Mga epekto at solusyon para sa mas malinis na kalikasan

Pamilyar ba kayo sa salitang “carbon footprint”?

Ang carbon footprint ay isang paraan ng pagsukat kung gaano karami ang greenhouse gases sa himpapawid. Kapag sinabi naman nating greenhouse gases ito ay uri ng gas na nagpapasok ng init sa himpapawid, dahilan ng pagtaas ng temperatura ng mundo. Ilan sa mga halimbawa nito ay carbon dioxide, methane, at nitrous oxide. Ang mga gas na ito ay nagdudulot ng pag-init ng mundo, kaya’t mahalaga na bawasan ang dami ng mga ito sa hangin.

Ang carbon footprint ay maaring masukat, halimbawa na lamang kung may mga industriyang gumagamit ng mga proseso na naglalabas ng mataas na antas ng greenhouse gases, tulad ng mga planta ng kuryente o pabrika, maaaring masabi na malaki ang carbon footprint ng lugar.

Bukod pa rito, kung kaunti o wala silang mga hakbang upang bawasan ang kanilang emissions, tulad ng paggamit ng renewable energy, ay nagpapakita rin ito ng malaking carbon footprint.

Sa madaling salita, malaki ang carbon footprint ng isang lugar kapag maraming greenhouse gases ang inilalabas nito. Kasama sa mga palatandaang ito ang mataas na paggamit ng enerhiya, maraming sasakyan na nagdudulot ng polusyon, at malaking produksyon ng basura.

Ngunit sa kasalukyan, may mga malalaking kompanya na sa ating bansa na nagsasagawa na ng mga hakbang upang mabawasan ang kanilang naambag na carbon footprint sa ating kalikasan.

Isa na dito ang Holcim Philippines, Inc. na isang kompanyang pangunahing tagapagbigay ng mga solusyon sa konstruksyon, na nag-aalok ng malawak na hanay ng mga makabagong produkto para sa mga pangunahing istruktura.

Ang Holcim Philippines na kabilang rin sa Net Zero Alliance na naglalayon na gumawa ng mga hakbang upang mabawasan ang kanilang naidudulot na polusyon sa kalikasan, ay muling gumamit ng mahigit isang milyong toneladang basura bilang alternatibong panggatong at raw materials sa paggawa ng semento noong 2023, na nakatulong upang mabawasan ang kanilang carbon footprint.

Sa pamamagitan ng paggamit ng alternatibong panggatong at raw materials mula sa mga industriya at komunidad, nabawasan ang kanilang paggamit ng natural na likas na yaman at tradisyunal na mataas ang carbon na panggatong.

Ang paggamit ng co-processing sa basura ay nakakatulong na mabawasan ang negatibong epekto sa kapaligiran ng paggawa ng semento sa pamamagitan ng pag-recycle ng basura sa mga kapakipakinabang na materyales.

Ang prosesong ito ay binabawasan ang pangangailangan sa tradisyunal na mataas ang carbon at binabawasan din ang mga emisyon na nalilikha sa paggawa ng semento.

Sa pagtutok ng kompanya sa circularity at paggamit ng co-processing, ipinapakita ng Holcim Philippines ang kanilang pangako na bawasan ang carbon footprint at makatulong sa mas napapanatiling hinaharap ng industriya ng konstruksyon at kapaligiran.

Isa lamang ito sa mga hakbang na ginagawa ng malalaking kompanya sa Pilipinas upang mabawasan ang carbon footprint ng kanilang kompanya at mabawasan ang greenhouse gasses sa kalawakan o himpapawid.

Sa mga alternatibong paraan, ipinapakita ng Holcim Philippines ang kanilang pangako na bawasan ang kanilang carbon footprint at mag-ambag sa mas napapanatiling hinaharap para sa industriya ng konstruksyon at sa kapaligiran.

Bilang isang indibidwal naman,mayroon rin tayong pananagutan sa carbon footprint, at maari tayong makatulong sa kalikasan sa mga simpleng bagay na disiplina ang kailangan upang tayo ay makatulong.

Maaari tayong makatulong sa pagbabawas ng ating carbon footprint sa pamamagitan ng mga simpleng hakbang. Una, kumain ng lokal at naaayon sa panahon na mga produkto at iwasan ang mga prutas at gulay na hindi naaangkop sa panahon.Pangawalawa,  bawasan din ang pagkain ng karne, lalo na ang baka, at pumili ng isda mula sa mga sustainable na pangisdaan. Tandaan din ang pagdadala ng sariling reusable na bag sa pamimili at iwasan ang mga produktong may sobra-sobrang plastic na balot.

Mahalaga rin na tiyakin na bibili lamang tayo ng kung ano ang kailangan upang maiwasan ang pag-aaksaya ng pagkain at iba pang bagay. Sa paggawa ng mga hakbang na ito, makakatulong tayo sa pagbabawas ng ating carbon footprint at sa pagpapangalaga ng ating kapaligiran. I Alliah Jane Babila

Holcim Philippines reuses over 1M tons of wastes in cement manufacturing to drive decarbonization, circularity

9 more firms join Net Zero Carbon Alliance | Inquirer Business

Share