Sining at sports, tampok sa ‘Sabat sa Ukol vol. 3’

Ipinamalas ng mga local artists ng Albay ang kani-kanilang mga talento at husay sa sining at sports nitong Sabado, Marso 30, bilang bahagi ng ‘Sabat sa Ukol vol. 3’ sa Brgy San Isidro, Sto. Domingo, Albay. 

Tampok rito ang iba’t ibang laro tulad ng palarong lahi, beach volleyball at football, skimboarding habang nagbigay aliw naman sa mga dumalo ang pagtatanghal ng iba’t ibang banda at cultural show. 

Ayon kay Jhimus Barrios, vice president ng Dominican United Members And Green Savers Association (DUMAGSA), layunin ng samahang ito na payabungin at mas makilala ang turismo ng Santo Domingo. 

“Very pristine ang black sand (beach) kan Sto. Domingo. So saro sa obheto an mapromotir ini through sa ‘Sabat sa Ukol’. Also, to promote our local enthusiasts kan manlain-lain na sporting events siring kan skimboarding, beach volleyball,football and even Laro ng Lahi. We would also like to exhibit our arts and culture here in Sto. Domingo, ” saad ni Barrios. 

(The black sand beaches of Sto. Domingo are so pristine and we wanted to promote it through ‘Sabat sa Ukol’. Also, to promote it to our local enthusiasts through various sporting events such as skimboarding, beach volleyball, football and even Laro ng Lahi.)

Samantala, mas binigyang diin umano nila ngayong ikatlong taon ng aktibidad ang aspetong kultural ng kanilang lugar at maituturing na mas pinalawak at organisado kumpara sa mga naunang taon ng pagdiriwang.

Para naman sa mangingisdang si Rolly Longasa, 35, at kabilang sa mga lumahok sa skimboarding competition, isang malaking tulong para sa tulad niya ang mga ganitong aktibidad sa kanilang lugar. 

“Kada event na naiintrahan kong mga arog kaini (skimboarding), nacha-challente tapos nauugma ako sa sadiri ko ta naaaraman ko kung ano ang mga kaya ko,” pahayag ni Longasa. 

(Everytime I join events like this, I get challenged and feel happy that I have proven something new to myself.)

Maliban sa libangan, nagsisilbi rin daw itong tulong para sa kanilang mag-asawa lalo na sa tuwing mayroon siyang cash prize na maiuuwi mula sa patimpalak. 

Labis naman ang pasasalamat ang DUMAGSA sa mga dumayo at nakilahok sa aktibidad. Sunod namang pagtutuunang pansin ng grupo ang ‘Clean and Dive’ na bahagi ng kanilang layunin sa komunidad kung saan iniimbitahan ang sinuman na nagnanais makibahagi. I Gabby Bajaro

IMG 7981
IMG 7983
IMG 7977
Share