Kontribusyon ng ilang Masbateños, kinilala ngayong 123rd Founding Anniversary ng Masbate 

Ang pagkilala ay pinamagatang ‘Pride of Masbate Awards 2024’ kung saan kabilang rito ang sikat na journalist mula sa Al Jazeera na si Jamela Aisha M. Alindogan pati na rin sina Noel I. Aparilla at Benjamin Benson A. Logronio, tampok ang kanilang kontribusyon sa telebisyon at film industries. 

Pagdating naman aa Literary Arts, binigyang pagkilala naman sina Enrique Villasis, Renato N. Pelorina at Nemah Hermosa, samantalang sa Visual Arts naman si Abril Dominic Valdemoro at fashion industry naman si Leo C. Almodal.

Hindi naman mawawala ang kontribusyon ng mga nasa likod ng inobasyon at agricultural research na sina Jofer B. Asilum at Andrew T. Bunan. 

Ayon kay Jofer Asilum, “ini na pagkilala sa akon, dili lang ini para sa akon. Para man ini sa kada Masbateño na nagapagal agod mapaayo an sitwasyon san aton pinalangga na Masbate. Para ini sa Damgo Naton na usad na Probinsya san Masbate na kun diin an kada Masbateño igwa san maayo na buhay. Padayon an Damgo Naton Masbate”!

[Itong pagkilala sa akin, hindi lang ito para sa sarili ko kundi para din ito sa bawat Masbateños na naghihirap upang mapaganda ang sitwasyon sa mahal naming Masbate. Para ito sa hinahangad nating probinsya kung saan lahat ng Masbateños ay mayroong magandang buhay]

Hindi rin magpapahuli ang mga estudyanteng Mathematical Olypiads na sina Cesar M. Cesar at Prince Joy Abayon. 

Dagdag pa rito ang magagaling na mga atletang naging malaki ang kontribusyon upang mas makilala ang probinsya ng Masbate kabilang na dito sina Leonelyn Compuesto, Jubilee Briones, Jezza Villarosa, Unilyn Aninang, Ruby Aragon, Mar Vincent Diano, Courtney Jewel Trangia, Ana Bhianca Espenilla, at Oscar Joseph Cantela. 

Panghuli ay ang mga guro sa likod ng pagkakilalan ng mayamang kultura ng Masbate, si Mark Jerome Torres at si Ruffo Arellano naman bilang sports instruction ng mga pambihirang atleta ng probinsya. 

Ang bawat awardees ay nagpakita ng kanilang dedikasyon, pagkamalikhain at leadership sa kanya kanya nilang larangan. I Angelica Nuñez

Share