Ipinagdiwang ng mga kapulisan ang araw ng mga puso sa pamamagitan ng pagharana at pagbibigay ng mga bulaklak, balloons, tubig at hotline cards sa mga motoristang dumadaan sa harap ng Camp Simeon Ola sa Legazpi City ngayong araw, February 14.
Ayon kay Police Colonel Maria Luisa Calubaquib, isa ito sa mga paraan nila upang mapalapit ang mga tao sa kapulisan at ipaalala ang kanilang presensya sa bawat isa.
“Five years na namin ginagawa ang paghaharana sa mga tao every February 14 to offer mga songs sa ating mga kababayan and maisipan nila na today is a very special day for our hearts, pinapaalala rin namin sa kanila ang aming pagmamahal and to remind them na we are always here para sa ating komunidad,” sabi nito. I Lyzha Mae Agnote