National Tech-Voc Day 2023, idinaos

Legazpi City — Bilang bahagi ng ika-29 anibersaryo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), idinaos ang National Tech-Voc Day nitong Biyernes, Agosto 25, sa 2nd floor Activity Center ng Pacific Mall Legazpi.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng iba’t ibang kompanya at employers gaya ng Honda Philippines Inc, Earthsmart Human resource Philippines Inc, at Placewell International Manpower para sa muling pagbubukas ng World Cafe of Opportunities.

Tinatayang nasa mahigit 360 applicants ang dumalo sa nasabing aktibidad. Isa sa mga na hired-on-the-spot si Renz Longasa, 23-anyos, na masayang ibinalita sa kaniyang mga kasama na nakapasa siya sa mga interviews at nakatakdang magsimula ng trabaho sa Laguna bilang office staff ng NATCORP Career and Manpower.

“Super blessed ako and thankful sa TESDA kasi ang hirap makahanap ng trabaho especially sa mga kagaya kong fresh graduated kaya talagang naluluha pa ako kanina,” saad ni Longasa.

Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Dir. Mariglo Macabuhay-Sese, Provincial Director ng TESDA PO-Albay sa isang press conference na 42% ng mahigit 500-milyong scholarship fund ng TESDA ay para umano sa probinsya ng Albay.

“Actually ‘yung sa slots ng scholarship ng TESDA malaki ang allotted budget namin doon since taon-taon sobra saya namin kase talaga tumataas ang ating enrollees that’s why talaga hand-to-hand ang aming paghahanda,” dagdag pa nito.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Legazpi City Mayor Carmen Geraldine Rosal at iba pang kumakatawan sa partnership agencies katulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Services Office (PESO) upang magbigay ng kanilang suporta sa pagdaraos ng anibersaryo. | Neffateri De La Cruz

viber image 2023 08 25 14 13 07 660
viber image 2023 08 25 14 13 08 674 1
viber image 2023 08 25 14 13 06 419
viber image 2023 08 25 14 13 07 491 1
Share