Youth Summer Camp, idinaos sa isang parokya sa Masbate

Naging abala ang mga kabataan sa Parokya ni San Nicolas de Tolentino sa Mobo, Masbate nitong Agosto 5-6, para sa kanilang taunang Youth Summer Camp na ginaganap ito tuwing bakasyon at bago pa man magsimula ang klase.

Ito ay bahagi ng tinatawag na Seasonal Jam sa panahon ng Summer, Lenten at Advent sa nasabing parokya.

Ayon kay Dio Brandon Viterbo, head organizer ng Youth Summer Camp, nakasentro ngayon ang pagtitipon sa temang “CROSSroads: What To Do When You Don’t Know What To Do” na ang layunin nito ay matulungan ang mga kabataan sa kanilang parokya.

“Ang main objectives nitong Youth Summer Camp, una, embrace spiritual connection, pangalawa, fun and friendship, at pangatlo, meaningful conversations. Ito ay pinagsama-samang ideya na kung saan may iba’t ibang pokus na makakatulong sa character/spiritual development ng mga kabataan,” saad ni Viterbo.

Mayroong iba’t ibang mga aktibidad ang YSC katulad ng mga spiritual talks, stalls or booths hopping, hiking sa madaling araw, Santa Misa mismo sa Mayong Payong at marami pang iba.

Ang tanging mensahe at paalala ng organizer sa lahat na nakiisa ay nandito lang palagi ang simbahan na handang gumabay sa amunang pagsubok sa buhay ng mga kabataan.

“Kahit anong problema, God will really help and provide comfort and hope to us. At merong Simbahan na open na makikinig sa mga ‘untold stories, emotions, and feelings.’ Ipapaalala ko lang na lahat tayo ay heard, loved, and seen,” dagdag pa nito. | Jonathan Morano

Photos: Chin Chin Viterbo

M1
m6
m5
m2
Share