National Learning Camp (NLC) sa SDO Masbate City, inilunsad na 

Bago pa man ang itinakdang pagsisimula ng National Learning Camp (NLC) sa darating na Hulyo 24 hanggang Agosto 25, inilunsad na ito ng Schools Division Office (SDO) Masbate City nitong Miyerkules, Hulyo 19.

Ito ay nagsisilbing hudyat ng pagsisimula ng nasabing programa.

Ayon kay Nelson Morales Jr., Schools Division Superintendent ng Masbate City, naging maaga ang paglulunsad upang makapagsimula ito kaagad sa araw ng Lunes, Hulyo 24.

“Ginagawa natin ito una, para mag-create ng awareness at drum beating na rin para makita ang ating mga adbokasiya at sa iba pang hindi  nakakaalam na mayroon tayong ganito para suportahan talaga,” saad nito.

Dagdag pa niya, sa aktibidad na ito maaaring makakuha pa ng ideya ang mga school heads at guro pagdating sa implementasyon ng programa.

“Sino-showcase natin kung ano ang posibleng mangyari sa learning camp para pagdating nila sa kani-kanilang lugar,  somehow, they have an idea what to take and probably replicate”,  dagdag pa ni Morales.

Naging bahagi din ng nasabing launching activity ang iba’t ibang fun-filled learning activities ng NLC. | Jonathan Morano

IMG 0924
IMG 0919
IMG 0921
Share