1000 Polymer: Smarter, Cleaner, at Stronger Piso 

LEGAZPI CITY — ‘Smarter, cleaner, and stronger’ ang binigay na mga karakteridad sa 1000-piso polymer ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) South Luzon Regional Office sa katatapos lamang na Information Caravan sa LCC Malls Legazpi City nitong Martes, Hulyo 18.

‘Smarter’ umano kung maituturing ang pagkakaroon ng polymer na pera para kay Jose Roberto Almeda Jr., senior research specialist – dagdag pa nito, mahirap magkaroon ng counterfeit o pekeng pera dahil sa ginamitan ito ng detalyado at advanced, sophisticated security feature.

Maliban pa rito, walang sapat na kagamitan ang bansa para makabuo ng polymer subscript upang makagawa pa ng counterfeit nito, lalong lalo na’t ang polymer banknotes ay galing at inilambag pa mismo sa Australia. 

“Cleaner because in a study reviewed by the Department of Health (DOH), ‘yung survival rate nung bacteria and viruses dun sa polymer banknote is shorter compared to the paper banknote, which is one of the sources of COVID-19 disease,” ani Almeda bilang suporta sa pangalawang karakteridad ng polymer.

Umaabot ng pitong araw ang survival rate ng mga viruses at bakterya sa polymer banknote kumpara sa paper banknote na umaabot ng 21 na araw.

Ang polymer banknote ay gumagamit ng mas mababang tubig at enerhiya kung kaya’t inaasahang mababa rin ang maiiwan nitong carbon footprints. 

‘Stronger’ din kung ilarawan ng BSP ang polymer banknote dahil kaya nitong tumagal ng mahigit limang beses kumpara sa perang papel.

Saad pa ni Almeda, ang polymer banknote ay water at heat resistant na nababagay sa tropikal na bansa gaya ng Pilipinas.

“And despite all the controversy, award-winning ang polymer banknote,” pagwawakas niya sa kaniyang speech.

Ayon rin sa BSP, maaari pa ring gamitin ang 1000-piso polymer kahit ito ay natupi na. | Stephanie De Leon

IMG 0926
IMG 0927
Share