Umani ng iba’t ibang interpretasyon ang mga paintings sa solo exhibition ng figurative abstractionist na si Alain Cuchas Llaguno. Pinamagatang Odes and Allegories ang kanyang exhibition na nagbukas nitong Hulyo 8 sa Kamarin Gallery, Peninsula Street, Naga City.
Fine Arts ang tinapos na kurso ni Llaguno sa University of Santo Tomas Manila. Nagturo rin siya sa Bicol Univerity College of Arts and Letters (BU CAL) ng Art Appreciation na subject.
Bago pa man maisapubliko ang mga obra ni Llaguno ay dumaan ito sa mahabang proseso ng curatorial notes kasama ang curator head na si Tito Valiente at mga resident art critic ng Kamarin Gallery na sina Rustom Rodrigueza at John Sherwin Acampado.
Ayon kay Valiente, nung mga unang diskusyon nila ay hindi ito maka-buo ng sariling interpretasyon tungkol sa mga paintings ni Llaguno dahil sa nakikita niya lamang ang paintings bilang sining pero hindi alam kung ano at para saan ito.
Pero ayon kay Llaguno, ang kagandahan sa paggawa ng mga abstract artwork ay nangangailangan ito ng malalim at mataimtim na pagsusuri at bukas din ito sa iba’t ibang interpretasyon.
Sang-ayon naman ang curator sa ideya ni Llaguno. “It doesn’t to be that way, dae kaipuhan na ang curator o ang critic magkapareho ang interpretation sa artist. It doesn’t have to be that, and it doesn’t have to be the same interpretation,” saad ni Valiente.
Makikita sa sa mga abstract paintings ni Llaguno ang mga hayop, rocking chair at mga sikat na mga dula at manunulat kagaya nina Shakespeare at Hamlet.
“Shakespeare is such an illucid author to him. His father would impose the works all the time and in any thought he always struggle with the works,” pahayag ni Valiente sa naging pag-uusap nila ni Llaguno.
Ayon kay Llaguno, mahilig siyang ipaghalo-halo ang iba’t ibang genre sa kanyang abtract painting lalo na ang surrealism at expressionism dahil nakikita niya umano ang canvas bilang playground at doon niya pinaglalaruan ang kanyang mga imahinasyon.
“Realist artist can easily be frustrated kapag hindi nila nakuha yung tamang kulay, the right stroke and all. But if you are an abstractionist you have the freedom to play,” dagdag pa niya.
Maari namang bisitahin ang Odes and Allegories painting ni Llaguno hanggang sa Agosto 30 sa Kamarin Gallery. | Stephanie de Leon