Isang 35 anyos na lalaki, timbog sa buy bust operation sa Sorsogon City

Naaresto ng mga awtoridad ang isang 35 taong gulang na lalaki sa isinagawang buy-bust operation bandang 2:45 ng hapon nitong Martes, Mayo 30, sa Purok 9, Brgy Sampaloc, East District, Sorsogon City.

Kinilala ang suspek sa palayaw na alyas “Noel,” 35-anyos na tubong Sitio Sta. Lourdes, Brgy. Behia, Magallanes, Sorsogon na pansamantalang tumutuloy sa Brgy. Sampaloc, Sorsogon City at kabilang sa listahan ng mga bagong personalidad ng droga.

Sa report ng Sorsogon City Police Station, isinagawa ang buy-bust operation sa pinagsamang pwersa ng Sorsogon City Police Drug Enforcement Unit sa koordinasyon din ng PDEA Regional Office V na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek matapos na bentahan umano nito ang isang police poseur buyer ng isang (1) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu kapalit ang halagang P1,000.

Tumimbang ng halos 0.15 gramo ang ibinebentang droga na nagkakahalaga ng P1,020. Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nasa Sorsogon City Police. | Ralph Balaguer at Joey Galicio

Share