Doktor, naaksidente sa Castilla, Sorsogon

Nagpapagaling na ngayon sa Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) ang 34 anyos na lalaking doktor matapos maaksidente sa Barangay Milagrosa, Castilla, Sorsogon kahapon, Miyerkules, Abril 12, nang papasok sana ito sa kaniyang trabaho.

Ayon sa ulat ng Castilla Municipal Police (MPS), papunta na sana ang biktima, na hindi na pinangalan pa ng awtoridad, sa Sorsogon City gamit ang minamanehong fortuner papasok sa kaniyang trabaho sa Sorsogon Provincial Hospital.

Pagdating sa nasabing lugar, nag-overtake umano ito sa dalawang sasakyang nasa unahan kung saan nawalan ng kontrol sa manibela ang driver at nakabangga sa isang bahay sa naturang lugar.

Dahilan sa pagkabangga, nagtamo ng sugat sa katawan ang doktor na agad namang nirespondehan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Castilla at dinala sa Castilla District Hospital.

Inilipat naman ito sa BRHMC para sa medikal na atensyon.| via Nicole Frilles, Joey Galicio

IMG 8286
IMG 8287

Photos: Benny Angelo Bajaro

Share