Nasa Legazpi City ngayong araw, Abril 1, si Modesto “Ka Moddy” Floranda, Presidente ng PISTON o Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide upang makipagdayalogo at linawin ang kanilang posisyon patungkol sa jeepney modernization.
Kasama sa ginanap na pagtitipon ang iba’t ibang transport group mula sa 2nd at 3rd district ng Albay.
“Panawagan namin sa administrasyon na mas dapat tulungan ay ang mga lokal na manggagawa, pangunahing tulungan ang nga nagseserbisyo sa mga mamamayan. Ang mga jeepney transport ay hindi kaaway ito ay katuwang ng ating gobyerno sa pag-inog ng ating ekonomiya,” ayon kay Floranda.
“Mahalaga ang ganitong pag-uusap, una na-quorate natin sila sa mga posisyon sa [patuloy] na itinutulak ng gobyerno sa balangkas ng modernization program, at mahalaga na maging bahagi ang operator at mga driver at iba’t ibang association sa pag-uusap para sa kanilang kabuhayan at karapatan,” ani Floranda sa panayam ng Bicol.PH.
Nilinaw naman ni Florendo ang kanilang posisyon sa issue ng jeepney phaseout.
“Sa bahagi namin hindi naman kami tutol sa usapin ng modernization kundi ang nilalabanan natin dito ay ang pamamaraan,” dagdag ni Floranda.
Samantala, nanindigan naman ang isang grupo ng mga transport group sa Albay.
“Ang panawagan ko, No phaseout at No Consolidation of franchise kagaya lang ng dati na individual operator,” ayon kay Rolando Butel, presidente ng Ligao Pioduran Tabaco transport corporation. | Aaron John Baluis