Estado ng Bulkan Mayon, ibinaba sa Alert Level 1

Mula sa Alert Level 2, ibinaba na sa Alert Level 1 o low level of unrest ang estado ng bulkan Mayon ngayong araw, Marso 16 ayon sa ipinalabas na advisory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ito ay dahil raw sa nakitang pagbaba sa mga binabatanyang aktibidad ng bulkan gaya ng volcanic earthquakes, ground deformation, volcanic gas emission at crater glow.

Gayunpaman, mariin pa rin na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone.

IMG 7748
IMG 7749
Share