8 sugatan sa banggaan ng van at pribadong sasakyan sa Legazpi City

Walo ang sugatan sa banggaan ng isang pampasaherong van at pribadong sasakyan ng isang service internet provider sa Purok 2, Burabod, Taysan Legazpi City nitong Huwebes, Marso 9, bandang alas dos ng hapon. 

Kinilala ang mga na biktima na sina Alliah Mae Erestain, 20 anyos; Mary Grace Sicad, 37 anyos; Agnes Escobedo, 55 anyos na residente ng Gubat, Sorsogon. Charmain Guantero, 28 anyos na taga Sto. Domingo, Bacon, Sorsogon City; Marlene Moraña, 28 anyos na taga Pangpang, Sorsogon City; Chelsaa Gapayao, 20 anyos na taga Bulusan at si Maica Dolorica, 30 anyos na residente ng Casiguran, Sorsogon, na pawang sakay ng pampasaherong van.

Sugatan rin ang 25 anyos na si Lestly Aringo ng Daraga, Albay na lulan ng pribadong sasakyan.

Ayon sa report ng Legazpi City Police, galing Sorsogon at papuntang Legazpi City ang pampasaherong van na minamaneho ni Andres De la Cruz, 55 anyos na taga Bacon, Sorsogon City. 

Nakita sa CCTV footage sa mismong pinangyarihan ng aksidente na iniwasan umano ng van ang isang tao na tumatawid ng kalsada dahilan kung bakit nagpang-abot ang dalawang sasakyan. 

Nadamay pa sa banggaan ang dalawang sasakyan ang isang nakaparadang truck. 

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng otoridad ang driver ng nasabing van at nahaharap ito sa kasong Reckless Imprudence Resulting in multiple injuries and damage to property. I via Joey Galicio

Share