Mapaghimalang Imahe sa Masbate City, dinarayo ng mga deboto

MASBATE CITY— Dinarayo ng mga deboto mula sa ibat ibang bahagi ng Bicol ang tahanan ng mapaghimalang imahe ng Señor Sto. Entierro sa Masbate City. 

Taon 1800s nang maitayo ang bahay kung nasaan ang imahe na pagmamay-ari ng pamilya Bayot.

Nakuha raw ang imahe sa dagat ng Ngaran.

“Diyan sa suba ng may Ngaran… Ang ulo iyan, ngayon kinuha ng lola ko at pinagawaan ng katawan kasi ulo lang ang nakikita. Since that time naging miraculous na iyong bahay na ito, during the Japanese time, Liberation at kun anu-ano ilang beses na ito binu-bomba hindi [nasira]”, ani Lola Rosario Andres, apo ng may ari ng bahay.

Dinaragsa ng mga deboto ang bahay tuwing Biyernes, ang araw na bukas para sa publiko simula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Idinaraos naman ang misa tuwing huling Biyernes ng buwan. 

Isa si Marlinda Andaya sa mga deboto ng Santo dahil raw sa mga himalang dinulot nito sa kanyang buhay.

“Maganda po ang pakiramdam naming, nagiging magaan po ang saloobin naming kapag minsan may mga problema ka gusto mo mag-anu, magpangadyi ka lang saiya talagang naggagan po pangadya”, patunay na sabi ni Nanay Marlinda.

Nakapaa ang mga mananampalataya tuwing pumapasok sa bahay, ito raw ay bilang pagbibigay galang at respeto sa imahen.

Sa darating na Semana Santa, nakatakda ang pagbihis sa imahen na ipu-prusisyon sa Masbate City. | Aaron John Baluis

IMG 7109
IMG 7112
IMG 7110
IMG 7114
Share