Hakbangin ng PNP, suportado ng Kongreso kaugnay sa pamamaril sa mga pulitiko

Suportado raw ng Kongreso ang mga magiging hakbang ng pulisya matapos ang sunod-sunod na pamamaril sa mga inihalal na opisyal.

Biyernes, Pebrero 17, tinambangan ang grupo ni Governor Bombit Adiong sa probinsya nila sa Lanao del Sur. Sugatan ang gobernador at patay ang apat sa kanyang police security.

Pebrero 19, vice-mayor naman ng Aparri ang tinambangan sa bayan ng Bagabag sa Nueva Vizcay habang nasa byahe paluwas sa Maynila. Patay si Vice Mayor Rommel Alameda at lima niyang kasama.

Pebrero 22, pinagbabaril naman sa Pasay si Mayor Ohto Montawal na mula sa Maguindanao.

Ayon kay Chief PNP Rodolfo Azurin Jr., naging maayos raw ang kanilang pag-uusap kahapon ni Speaker Martin Romualdez.

Naipakita raw nila ang mga datos na bumaba ang bilang ng mga krimen kumpara sa nakaraang taon.

“So nevertheless the speaker manifested all out support to the PNP kun anu kailangan gawin ng kongreso in terms of budget, equipment, and in terms of legislation o mga batas upang lalo pa nating mapagtibay ang ating crime prevention and crime solution.”

Respetado naman raw ng pulisya ang naging pahayag ng Volunteers Against Crime and Corruption na may pagkukulang ang pulisya sa intelligence report kaugnay ng pamamaril sa mga pulitiko.

“We respect so much, we respect their comment and we respect yung kanilang panananaw. Definitely the PNP is doing all its best to solve all the crimes being committed against our elected and appointed local and national official. I welcome his comment and that is one of the challenges that we need to face.”

Si Azurin ay nasa Legazpi City ngayong araw, Pebreo 28 para pangunahan ang turn-over ceremony sa pamunuan ng Bicol PNP Regional Office.

Ang dating Regional Director na si Brigadier General Dimas ay siya nang mamumuno ng Special Action Force habang ang papalit naman sa kanya sa pwesto ay si Brigadier General Westrimundo Obinque.

Share