Batang nawawala sa Samar, natagpuang patay sa Masbate

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang (1) taong gulang na batang lalaki sa Brgy. Talib, Aroroy Masbate, nitong Pebrero 25, ilang araw matapos itong naiulat na nawawala.

Positibong kinilala ng ina ang bata matapos makumpira ang suot nitong pang-itaas na damit ayon sa Aroroy Municipal Police.

Ayon sa Impormasyon, huling nakita ng ina ang bata na naglalaro sa tabi ng sapa malapit sa kanilang bahay bandang alas-5 ng hapon Pebrero, 18, 2023 sa Brgy. 1 Poblacion, Capul, Northern Samar.

Posible umanong nahulog ito at nalunod. Nang matagpuan ang nasabing biktima ay wala na ang ulo, braso at ang kanyang maselang bahagi.

Naibalik na ang mga labi ng bata sa Samar kahapon matapos ang retrieval operation ng pinagsanib na pwersa ng Aroroy MPS, Capul MPS, RHU- Aroroy, MDRRMO-Aroroy at MDRRMO Capul Samar. I Jemimah So

Share