Mountaineers, umakyat na sa Bulkan Mayon upang puntahan ang wreckage ng eroplano

Tinatayang nasa 350 meters mula sa crater ng bulkan Mayon bumagsak ang cessna plane na may lulan na apat na tao, kabilang rito ang pilot at isang crew at dalawang Australian nationals na consultants ng Energy Development Corporation.

Kahapon ay nakita na nga ang nawawalang eroplano na umalis ng Bicol International Airport, Daraga, Albay patungong Metro Manila noong Sabado ng umaga.

Pero hindi pa ito nararating matapos ang dalawang araw na search and rescue operations. Nakunan lamang ng larawan ang eroplano sa isinagawang aerial search at drone shots.

Hindi pa rin nakikita ang kahit isa sa mga sakay ng eroplano.

Kahapon ay higit isangdaang rescuers ang umakyat sa paanan ng bulkan Mayon na hinati sa ilang grupo. Pero bigo ang mga ito matapos maabot ang dulo ng gully.

Mahirap na raw akyatin pa dahil buhangin na ang taas. 

Peligroso rin ang ginagawang search and rescue operations dahil nasa loob ito ng six kilometer permanent danger zone at nakataas ang alert level two sa palibot ng bulkan.

Kaninang alas kuwatro ng umaga ay umakyat na ang dalawamput limang (25) veteran mountaineers para marating ang bumagsak na eroplano habang deployed naman ang mga personahe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga critical areas.

Ayon kay JV Anonuevo, isang mountaineer, lubhang delikado ang operasyon dahil sa panahon at banta ng mayon. Sa kanilang inisyal na pahayag, traverse at hindi direktang pupuntahan ang lokasyon dahil ito ay matatagpuan sa mabuhangin at mabatong lugar.

Sila rin ang parehong grupo na tumulong sa pagrescue sa mga russian nationals na umakyat sa paanan ng bulkan mayon noong taon 2013 nang biglang sumabog ang bulkan mayon,

Nakatakda rin ang mga aerial search ngayong umaga, depende sa lagay ng panahon. Ito rin sa ngayon ang magiging pangunahing direksyon sa paghahanap sa apat na nawawalang pasahero.

IMG 6692
Share