SORSOGON CITY – Wagi ang koponan ng Gallanosa National High School Bagwis sa championship game ng Palarong Panlalawigan Mens Basketball Category matapos talunin ang Bulan NHS Tigers sa 73-67 na dikdikan sa Casiguran Gymnassium nitong Sabado, ika-18 ng Pebrero 2023.
Pinangunahan muli ng guard ng Irosin-GNHS Bagwis na si R. Hapin, agad na nag-init si Hapin sa unang yugto matapos makapagtala ng tatlong sunod-sunod na 3-pointer upang iangat ang koponan sa kalamangan. Pinangatawanan din ni Hapin ang malakas na opensa kontra sa matikas na defenders ng Tigers na sina Rapsing at Gueta.
Nang-mama naman sa first half ang rebounder/center na si D. Dollentas ng Bagwis sa pag-secure ng mga defensive at offensive rebound. Katulong sa magagandang inside play sina A. Dreu at J. Hopio. Pina-igting naman ang opensa nina Lozada at C. Dreu hanggang sa huling yugto ng laro. Sinubukang humabol paunti-unti ng Tigers ngunit kinapos sila dahil sa maingat na pag-aalaga ng Bagwis sa kanilang kalamangan.
Nagbunyi ang koponan matapos ang panalo. Ayon kay Hapin sa panayam ng Bicol.PH. “Hindi ko ma-describe yung feeling, basta lahat ng pagod at practice namin nag-pay-off”.
Ang Zone 1 – GNHS Bagwis ang kakatawan sa lalawigan ng Sorsogon sa papalapit na Palarong Bicol sa Abril 24-28, 2023. I Ralph Kevin Balaguer
Photo: Rich Arwin Hapin